Umaabot na sa 35 katao ang nasawi sa tatlong magkakasunod pag-atake sa Baghdad, Iraq.
Ayon sa ulat, unang sumabog ang isang car bomb sa palengke ng Shaab at nang magsilapit ang mga tao at pulis para tignan ang nangyari ay isa namang suicide bomber ang lumapit saka pinasabog ang kanyang sarili.
Isa pang pagsabog ang nangyari sa Bunouk District ang kapital ng hilagang bahagi ng bansa.
Bukod sa mga nasawi, umabot sa higit 100 katao ang sugatan sa mga nangyaring pag-atake.
By Rianne Briones