Nagpapagaling ngayon sa isolation wards sa Singapore ang nasa 35 mga Pilipino.
Ito’y ayon kay Philippine Ambassador to Singapore Jose Yap makaraang dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga naturang Pilipino abroad.
Ani Yap, walang dapat ipag-alala ang mga kaanak ng mga Pinoy na ito lalo na sa gastusin sa kanilang hospital confinement lalo’t sagot ng Singaporean government ang gastos ng mga ito.
Sa tala ng embahada ng bansa, umabot na sa 578 na mga Pilipino roon ang tinamaan ng COVID-19.