Patay ang tinatayang 36 katao sa salpukan ng isang bus at fuel tanker sa Zabul Province sa Afghanistan.
Ayon kay Gul Islam Sial, Provincial Spokesman ng lalawigan ng Zabul, bukod sa mga nasawi ay mahigit 30 iba pa ang nasugatan.
Sinasabing kabilang sa mga nasawi sa trahedya ang driver ng tanker.
Mula umano sa Kandahar ang bus at patungong Kabul nang makasalpukan nito ang tanker sa Kandahar-Kabul highway.
Giit ng mga awtoridad, walang ibang posibleng sanhi ng insidente kundi ang pagiging kaskasero o reckless ng mga driver ng mga naturang sasakyan.
By Jelbert Perdez