Umabot na sa apat na bilyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa buong mundo.
Ito ay walong buwan mula nang mag-umpisa ang vaccination drive sa ibat-ibang panig ng mundo.
Sa nasabing tala, ang pang apat na bilyon na dose ay naabot sa loob lang ng 30 days habang 26 days naman ang kasalukuyang bilang.
Ang una at ikalawang bilyon ay naabot naman sa loob ng 140 at 40 days.
Habang 40% o 1.6 bilyon sa mga itinurok na bakuna ay mula sa bansang China habang 451 milyon naman sa India at 343 milyon sa Amerika.