Nanganganib na mawalan ng trabaho ang nasa 4-milyong manggagawa pag natapos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
Ito ang inihayag ni Alan Tanjusay, Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson, sa pakikipag-usap nito sa mga nag-mamay-ari ng maliliit at malalaking negosyo.
Ani Tanjusay, mahirap aniya sa mga ito na makabalik at makabangon agad mula sa naging epekto sa kanilang negosyo ng lockdown.
Wala umano silang kinikita ng mahigit isang buwan kaya’t hindi aniya malayo na mapilitan silang magsara ng tuluyan o magbawas ng tao.
Una rito, nagbabala na rin ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na kinakailangan na ng tulong ng gobyerno ng maraming maliliit na negosyo para makabangon muli.