Tinatayang 41 katao ang patay matapos bumigay ang isang dam sa Kenya dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Ayon sa Kenyan Red Cross, karamihan sa mga nasawi ay mga bata at kababaihan na natabunan ng putik dahil sa pagragasa ng tubig mula sa nasirang Patel dam sa Rift Valley ng Nakuro.
Tinatayang nasa 2,000 katao o 500 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente.
Tiniyak naman ng pamahalaan sa naturang bansa ang tulong sa mga biktimang naapektuhan.
—-