Aabot sa 400 kilo ng mga double dead na karne ng baboy o botcha ang nasabat ng mga otoridad sa bahagi ng recto avenue sa Divisoria sa Maynila kaninang madaling araw.
Ayon kay Manila Veterinary Inspection Board’s Special Enforcement Squad Chief Dr. Nick Santos, agad na tumakas ang mga tinderong nagtangkang magbenta ng mga nasabing karneng botcha nang magsimula na silang mag-inspeksyon.
Dagdag pa ni Santos, agad nilang nahalata ang mga nasabing double dead na karne ng baboy dahil sa mabahong amoy at maputlang kulay nito.
Pinaniniwalaang galing ang mga nasabing karne sa lalawigan ng Bulacan.