Humigit kumulang sa 40,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tutulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makauwi na sa kani-kanilang probinsya.
Tinukoy ni OWWA Administrator Hans Cacdac ang mga umuwing sea at land-based OFWs na nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at nakatapos na ng kanilang 14 araw na quarantine.
Ayon kay Cacdac, inaasahan nilang masisimulan ang pagpapauwi ngayong weekend at tatagal ito hanggang sa Hunyo.
Magdasal tayo na ganyan lang, kasi syempre meron pang mga dambuhalang bilang na pino-project pero ito na ‘yung parang medyo malalim na na pag-analyzed ng epekto ng COVID sa ekonomiya ng mga host countries,” ani Cacdac. —sa panayam ng Ratsada Balita