Tinatayang 400,000 litro ng krudo na tinangkang ipuslit sa bansa ang nasabat Tawi-Tawi.
Nagsasagawa ng maritime patrol sa Turtle Islands ang mga otoridad nang maharang ang dalawang sasakyang pandagat na kargado ng 400,000 liters ng diesel.
Ayon kay Joint Task Force Tawi-Tawi Commander, Brig. Gen. Romeo Ricadio, namataan ng 112th Marine Company at Taganak Municipal Police ang foreign vessel na Marnia Penang at isang local vessel na Jaslyn Stacy Legazpi na nakadaong sa Lihiman Island.
Aminado naman ang kapitan ng Jaslyn Stacy na si Rodrigo Sarol na nagkarga sila ng krudo mula sa marnia penang at sa katunayan ay may naiwan pang 200,000 liters.
Napag-alamang nagmula sa Malaysia ang Marnia Penang na may 16 na crew habang nagmula sa Navotas City ang Jaslyn Stacy na may 13 crew.