Tinatayang 40,000 overseas filipino ang inaasahang magbabalik-trabaho na sa Taiwan.
Ito’y makaraang tanggalin na ng Taiwan ang kanilang COVID-19 travel restrictions.
Inihayag ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan na maaari na muling makapasok ang mga dayuhan, kabilang ang mga Pinoy, simula Pebrero a-15.
Gayunman, dapat bakunado ang mga indibidwal bago bumiyahe habang ang kanilang employer ang maghahanda ng hotel bilang quarantine facility sa loob ng 14 na araw.
Mayroon ding iba pang rekisitos ng Taiwan health authorities tulad ng pagkakaroon ng RT-PCR test, one-person one-room isolation bago pumasok sa kanilang teritoryo habang kailangan din ang medical insurance para sa kumpirmadong kaso, at RT-PCR test pagkapasok sa Taiwan. —sa panulat ni Mara Valle