Tinatayang 4,300 pasahero na ang stranded sa iba’t ibang pantalan matapos kanselahin ang mga biyahe dahil sa naglalakihang alon dulot ng bagyong Odette.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa 2,000 rolling cargoes, 90 vessels at 9 na motorbancas din ang hindi pinabyahe.
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga biyaheng Eastern Visayas, Bicol, Central Visayas, Northeastern Mindanao at Western Visayas.
Inabisuhan naman ni PCG Spokesman, Commander Armand Balilo ang mga pasahero na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe hangga’t hindi pa naka-aalis ang bagyo.