Inaasahang pipirmahan at pagtitibayin ng nasa 50 mga bansang miyembro ng United Nations o UN ang isang bagong kasunduan na nagbabawal sa paggawa ng mga nuclear weapons ngayong araw.
Pinangunahan mismo ni UN Secretary General Antonio Guterres ang pormal na pagbubukas sa signing ceremony para sa itinuturing na milestone bilang kauna-unahang kasunduan sa pagdis-arma ng mga bansa sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Napag-alaman namang una nang pumirma sa kasunduan si Brazilian President Michel Temer sa isang okasyon na bahagi ng ginaganap na UN General Assembly.
Kabilang naman sa mga hindi sumang-sangayon sa nasabing treaty ay ang United States, Britain at France na naggigiit na mas kailangan ang pagkakaroon ng mga nuclear weapon dahil sa banta sa seguridad ng North Korea.
—-