Target ng Department of Environment and Natural Resources na ipasara ang tinatayang 50 mga iligal na tambakan ng basura sa buong bansa bago ang Disyembre.
Kasunod ito ng naging desisyon ng ahensya na hindi pagbigyan ang hirit ng Quezon City government na pansamantalang buksan ang Payatas sanitary landfill bago ang permanenteng pagpapasara nito sa katapusan ng taon.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ito ay bahagi ng kampanya ng gobyerno sa mas pinaigting na pagpapatupad ng Republic Act Number 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 kung saan itinuturing na iligal ang pagkakaroon ng open dump.
Babala pa ni Cimatu na papanagutin ang mga lokal na opisyal na patuloy na nagbibigay ng pahintulot sa operasyon ng open dump sa kanilang nasasakupan.
By Rianne Briones