Patay ang hindi bababa sa 50 katao, sa pag-atake ng suicide bomber sa isang pamilihan sa Maiduguri, Nigeria.
Ayon sa isang myembro ng Civilian Joint Task Force, naganap ang pagsabog sa Cattle Market, na pinupuntahan ng daan-daang katao, kada araw.
Samantala, naglabas din ng video ang Boko Haram, kung saan ipinapakita ang pamamaril sa ulo sa mga sundalo ng Nigeria, habang pinupugutan ang isang sibilyan.
By Katrina Valle