Pinapurihan ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP ang mga tauhan nito sa Sto. Niño Municipal Police Station sa lalawigan ng Leyte .
Ito’y matapos masagip ng pulisya ang humigit kumulang 50 mangingisda na inanod ng mga alon habang nasa karagatan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Jolina .
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, hindi inalintana ng mga pulis ang kakulangan nila sa kagamitan, masagip lamang ang mga kababayang nangangailangan ng tulong.
Pero sa kabila ng pagkakasagip sa naturang mga mangingisda ay may apat na labi naman ang nakuha ng pulisya matapos malunod .
Nakipag ugnayan na ang pulisya sa pamilya ng mga nasawi at nasagip upang maiproseso na agad ang kanilang pagbabalik.—ulat mula kay (Jaymark Dagala (Patrol 9)