Umabot na sa 500 bata ang binigyan ng anti-measles vaccine matapos ideklara ng Department of Health ang outbreak ng tigdas sa ilang lugar sa Taguig City.
Nagsanib pwersa ang local government ng Taguig, pamantasan ng lungsod ng Maynila at Red Cross para sa vaccination program.
Tinatayang 30 estudyante ng colleges of nursing at medicine mula PLM katuwang ang mga taga-local government at Red Cross ang nagbahay-bahay upang ipabatid sa mga residente ang pangangailangan na bakunahan laban sa tigdas.
Target ng city government na bakunahan ang nasa isandaan sampung libo (110,000) katao.