Posibleng sa mga transitional houses na magdiwang ng bagong taon ang mga residente ng Marawi City na apektado ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute terror group.
Iyan ang pagtitiyak ni Housing Czar Retired General Eduardo del Rosario dahil sa inaasahang makukumpleto na ang may 500 transitional shelters sa susunod na buwan.
Dagdag pa ni Del Rosario, posible pa aniyang umakyat sa 600 hanggang 700 pansamantalang tahanan ang kanilang matapos kung magpapatuloy aniya ang magandang panahon.
Target din ng bagong task force ‘Bangon Marawi’ na maipatayo ang may 1000 transitional shelters sa lungsod sa unang bahagi ng susunod na taon.
—-