Nakatanggap ng hindi bababa sa 50,000 expired na RT-PCR testing kit para sa COVID-19 ang Baguio City.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang mga naturang expired na testing kit.
Ipinamahagi aniya ang mga ito sa isang pribadong testing laboratory sa Baguio City.
Kaugnay nito, ipinabatid na ni Magalong sa RITM at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang insidente.
Kinakailangan din aniya itong maimbestigahan dahil posibleng naipamahagi rin sa iba pang local government units ang mga katulad na expired RT-PCR testing kits.