Aabot sa 53 anti-personnel mines ang narekober ng militar matapos ang engkwentro sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Sur.
Sa pahayag ni 9th Infantry Division Spokesperson Captain John Paul Beleza, nakatanggap sila ng ulat mula sa ilang residente ng Barangay Del Carmen kaugnay sa umano’y presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang 96th infantry battalion at dito naka engkwentro ang sinasabing mga miyembro ng NPA.
Tumagal ng 20 minuto ang engkwentro hanggang sa tumakas na ang mga rebelde.
Naiwan ng mga ito ang mga anti-personnel mines at iba pang sangkap na ginagamit sa mga pampasabog.