Nasa 70 Pilipino na lamang ang nananatili sa mga ospital sa Japan matapos magpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umabot sa 80 Pinoy mula sa Diamond Princess cruise ship ang nagpositibo sa COVID-19, subalit 10 rito ang pinalabas na ng ospital.
Hindi naman malinaw kung nakasama na sa umuwi sa bansa at naka-quarantine sa New Clark City ang 10 na pinalabas na ng ospital.