Nasa 700 mga medical personnel ng Philippine National Police (PNP) ang nakalinya para unang maturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. General Guillermo Eleazar, oras na maging available na ang mga bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Eleazar, mayroon na silang listahan ng mga personnel ng PNP General Hospital na inaasahang unang mababakunahan.
Bukod dito, sinabi ni Eleazar na kabilang din sa unang batch ng recipients ang mga police officers na itatalaga para magbigay seguridad sa pagsisimula ng vaccunation program kontra COVID-19.