Nagbukas ng 7K na trabaho ang Department Of Transportation o DOTR sa ilalim ng build-build-build program ng pamahalaaan para makatulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Maglulunsad ng libo-libong job offer ang DOTR sa pamamagitan ng konstruksiyon ng Clark phase 2 project ng Philippine National Railways o ang Malolos, Bulacan to CLARK, PAMPANga line.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, gagawa ng direct at indirect employment opportunities ang kanilang ahensya kung saan, prayoridad ang mga local, Overseas Filipino Workers, at transport sector workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Tugade, bukod sa 7,000 direct jobs na nagbukas, may 3,000 pang job opportunities ang planong ilunsad sakaling maging operational na ang proyekto ng gobyerno.
Bukod pa dito, magkakaroon din ng 25,000 direct job opportunities nabubuksan habang ginagawa ang proyekto.
Ang PNR Clark phase 2 ay bahagi ng massive 147-kilometer North-South commuter railway project na magkakaroon ng 35 istasyon at mag-ooperate ng 464 na train cars na may 58 car train sets configuration.—sa panulat ni Angelica Doctolero