Tinatayang 80 mga Liberal Party congressmen ang lumipat na sa bakod ni incoming president Rodrigo Duterte.
Bagama’t hindi tuluyang bumibitaw sa LP, sinasabing makikibahagi ang nasabing mga kongresista sa Coalition for Change ni Duterte.
Si Speaker Sonny Belmonte ay nagbigay daan na sa nilulutong pag-upo ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ng PDP – Laban bilang bagong speaker sa pagbubukas ng Kongreso.
Ang tinatayang 70 porsyento ng mga kongresista na nagpahayag pagsuporta sa bagong koalisyon ay ituturing pa rin umanong miyembro ng mayorya at mabibigyan pa rin ng mga pribilehiyo tulad ng chairmanship sa mga komite.
Cabinet officials
Samantala, unti-unti nang nakukumpleto ang gabinete ni presumptive president Rodrigo Duterte.
Itinalaga ni Duterte si dating Armed Forces Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Junior bilang National Security Adviser.
Si dating Justice Secretary Silvestre Bello III ay itinalaga naman bilang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Hinirang bilang bagong National Economic and Development Auhtority o NEDA Director General si Ernesto Pernia ng University of the Philippines School of Economics.
Magiging hepe naman ng presidential security group si dating joint task group Basilan Chief Col. Rolando Bautista.
Habang ang campaign manager at kaibigan ni Duterte na si Maribojoc, Bohol Mayor Leioncio Evasco Jr. ay itinalaga bilang Secretary of the Cabinet.
By Rianne Briones