Nasa 800 pamilya ang pinalalayas na sa Hacienda Luisita sa Tarlac.
Binigyan na lamang ng 60 araw ng Central Azucarera De Tarlac ang mga pamilyang naninirahan sa Sitio Obero, Zit, Lote at Camaran sa Barangay Central, Tarlac City upang lisanin at gibain ang kanilang mga bahay.
Ipinunto ng pamunuan ng Central Azucarera na hindi kabilang ang mga nasabing sitio sa 25 title na saklaw ng 4,500 hectares na isinailalim sa compulsory acquisition ng Department of Agrarian Reform noong 2005.
Ang acquisition ay pinagtibay ng Presidential Agrarian Reform Committee noong 2008 at Supreme Court noong 2012 at nangangahulugang hindi saklaw ang mga lupain ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Samantala, nagpapasaklolo na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente sa hacienda.