Sinimulan nang isalang sa imbestigayon ng PNP Internal Affairs Service ang 800 police operations kontra droga.
Ayon kay Chief Supt. Leo Angelo Leuterio, Deputy Inspector General ng PNP-IAS, mahigit sa 500 na ang isinailalim sa pre-charged investigation samantalang hindi pa masimulan ang 300 iba pa dahil may hinihintay pang dokumento.
Sinabi ni Leuterio na may natapos na silang 27 police operations at napatunayan naman nilang lehitimo ang mga operasyon kahit pa may mga nasawing drug suspects.
Mula Hulyo ng taong ito, umabot na sa 1,200 anti-drug operations ang naikasa ng PNP kung saan napatay ang mahigit sa 1,600 mga drug suspects.
Aminado si Leuterio na kulang ang 200 nilang imbestigador para imbestigahan ang lahat ng anti-drug operations lalo na’t may iba pa silang kasong hinahawakan.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)