Tinatayang nasa 8,000 mga aktibong mga drayber ang planong i- deactivate ng Grab Philippines sa susunod na linggo.
Ayon kay Grab Philippines Brian Cu, i de – deactivate ang account ng mga drayber na hindi pa nakapag susumite ng provisional authority mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Binigyan lamang ng Grab ng hanggang Hunyo 7 para maipasa at makumpleto ang mga kaukulang dokumento.
Pangamba ni Cu, posibleng magdulot ng malaking abala kung tuluyang matatanggal ang malaking bilang ng mga drayber dahil ibig sabihin nito ay ang pagkaantala ng halos 100,000 sakay kada araw.
Magkagayon man ay kailangan aniya na tumalima ang Grab maging ang lahat ng operator at drayber sa itinatakda ng batas para na rin sa kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero.