Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Police Regional Office 5-Bicol kaugnay sa nangyaring pagdukot at pagpatay sa tatlong indibidwal sa Daraga, Albay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Daraga Municipal Police Station, nangyari ang krimen 11 kagabi nang magsumbong ang mag-asawang Victor at Lalaine Amor sa pulisya para ilahad ang pagdukot sa kanila kasama ang tatlong iba pa.
Ayon kay Lalaine, isang kotse ang sumundo sa kanila sakay ang isang Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ para ihatid sa isang pagpupulong subalit nakatakas siya kaya’t nagawa niyang magsumbong sa mga awtoridad.
Ala-siyete pasado naman kaninang umaga nang magtungo si alyas Bikoy sa himpilan ng pulisya para ipagbigay alam ang nakita niya umanong 3 bangkay sa nirerentahan niyang bahay sa naturang lugar.
Nang rumesponde ang mga awtotridad, tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ng mga bitkimang kinilalang sina helen advincula na konsehal ng donsol sa sorsogon, karen dela rosa na isang negosyante, at alim mirasol na tumatakbong konsehal ng Donsol, Sorsogon.
Dahil dito, agad inaresto si alyas Bikoy na napag-alamang tumatakbong alkalde ng Donsol at nakatakda nang sampahan ng 3 patong na kaso ng murder.—sa panulat ni Airiam Sancho at sa ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)