Hindi napigilan ni eight division world boxing champion at Sen. Manny Pacquiao ang kaniyang sarili na hamunin ang mga gumagawa ng hate crimes sa America, laban sa mga Asian na naninirahan doon.
Sa post ng senador, sinabi nito na siya na lamang daw ang labanan ng mga nasa likod ng Asian hate.
Tinawag pa nito na duwag ang mga umaatake sa mga walang kamalay-malay na matatanda, babae at bata.
Makikita rin sa background ng post ng senador ang ilang asyano na naging biktima ng pambubugbog.
Isinalin pa sa Inglis, Pilipino, Chinese at Korean ang statement na ito ng mambabatas.
Mabilis namang umani ng suporta ang post ng Pinoy boxing icon.
Matatandaan na maging ang isa sa malapit kay Pacquiao na Filipino sports writer ay minsan na ring naging biktima ng pangha-harass habang nasa pampublikong sasakyan.