Pinangalanan na ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ang umano’y nasa likod ng Bikoy videos na nagdadawit sa pamilya at mga kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade na tinaguriang ‘Davao Group’.
Ayon sa kalihim, ang umano’y uploader ng Bikoy videos ay si Rodel Jayme kung saan siya ay kasalukyang iniimbestigahan siya ng National Bureau of Investigation (NBI) at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kinukunsidera din kasuhan inciting to sedition at paglabag din sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law na maaaring isampa sa nasabing blogger.
Aniya ni Guevarra lumalabas sa imbestigayon na si Jayme mula sa website nito na Metro Balita ang video kaya inaresto siya sa pamamagitan ng warrantless arrest noon Abril 30.
Samantala, hindi pa tiyak kung siya rin ay si Alyas Bikoy at iginiit din na walang kinalaman ang Malakanyang sa isinagawang pag-aresto sa kanya.
with report from Bert Mozo (Patrol 3)
Pag-aresto sa nag-upload ng Bikoy video dapat malaman kung legal — Lacson
Dapat malaman kung legal ang pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa uploader nang nag viral na Bikoy video.
Ito ayon kay Senador Panfilo Lacson ay dahil base sa Revised Penal Code, maituturing na legal ang pagkakaaresto kung boluntaryong nagpasalang sa preliminary investigation ang subject ng nasabing kaso.
Subalit, sinabi ni Lacson na kung walang legal na basehan ang pag-aresto kinakailangang magpaliwanag ang Department of Justice (DOJ) at NBI.
Una nang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang uploader ng video na si Rodel Jayme ay inaresto base na rin sa inisyung warrant ng Makati RTC.
written by Judith Estrada-Larino & with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
Umano’y uploader ng ‘Bikoy’ videos kinasuhan na
Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng inciting to sedition ang inaresto nitong uploader ng nag viral na Bikoy videos.
Batay ito sa isinampang reklamo ni NBI Deputy Director Vicente de Guzman III laban kay Rodel Jayme.
Nabatid na kaagad reresolbahin ang nasabing reklamo matapos umanong i-waive ni Jayme ang karapatan nito sa preliminary investigation.