Pinasalamatan ng Pilipinas ang Korte ng Kuwait dahil sa desisyon nitong patawan ng parusang kamatayan ang nasa likod ng pagkamatay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jeannelyn Villavende.
Sa Twitter post ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ipinarating nito ang pasasalamat sa naging patas na desisyon ng korte.
Ipinarating din ni Locsin ang pasasalamat at itinuturing aniya itong utang na loob ng bansa ang naging pagkilos ni Kuwait Ambassador to the Philippines.
Si Villavende ay namatay noong ika-28 ng Disyembre, taong 2019, sa kamay ng kaniyang among babae sa Kuwait.
Sa naging autopsy report nito, nakitang nakaranas ang OFW ng pagpapahirap at sekswal na pang-aabuso.