Natukoy na ng mga awtoridad ang nasa likod nang pagpapasabog ng bomba sa lalawigan ng Cotabato.
Ayon kay Superintendent Bernard Tayong, Spokesman ng Cotabato Police Provincial Office, ang grupo ni Rasol Dudpaleg ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nagpasabog ng improvised explosive device sa gilid ng kalsada malapit sa isang paaralan sa Sitio Narra, Barangay Tugal sa bayan ng Midsayap.
Bagamat walang nasugatan sa insidente, nagdulot ng takot sa mga residente ang nasabing pagsabog.
Target ng IED na gawa sa bala ng 81 mm mortar na hinaluan pa ng mga bakal, blasting cap, 9 volts battery at cellphone bilang triggering mechanism ang convoy ng mga sundalo na bago lamang dumaan at sinundan ng pagsabog.
Dahil dito, hinigpitan pa ng mga awtoridad ang seguridad sa probinsya ng Cotabato lalo na gagawin ngayong araw na ito ang barangay at SK elections.
—-