Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasa likod ng pagpapasabog ng granada sa bisperas ng Pasko sa Midsayap, North Cotabato.
Gayunman, tumanggi muna ang pulisya na isapubliko ang pagkakakilalan ng mga suspek.
Ayon kay Midsayap Police Chief Superintendent Bernard Tayong, layon nitong hindi masunog ang insinasagawa nilang operasyon sa pagtugis sa mga suspek.
Matatandaang 17 katao ang sugatan kabilang ang isang pulis makaraang hagisan ng granada ang police mobile na nakaparada malapit sa simbahan sa kasagsagan ng huling Simbang Gabi.
By Ralph Obina