Tinatayang aabot sa 1 trilyong piso ang gagastusin ng administrasyong Duterte para maipatayo ang mga pangunahing imprasktraktura sa susunod na taon.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nakapaloob ito sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon na kanilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Diokno, ang mga gastusin para sa imprasktraktura ang siyang susulit sa 5.2 percent na gross domestic product ng bansa at inaasahan pa itong tumaas ng hanggang pitong porsyento.
Binigyang diin pa ng Kalihim na mas maraming proyektong pang imprastraktura ang ilalaan para sa pagdaragdag at pagsasaayos ng mga paliparan, pantalan, pangunahing kalsada at tulay.
Gayundin ang mga farm to market roads at ang pagtatayo ng mga post harvest facilities.
By Jaymark Dagala