Nagkakahalaga ng P245M pondo ang inilaan ngayong taon ng pamahalaan para sa centenarians’ gift.
Ayon kay House Appropriations Committee Vice Chair at Makati City Representative Luis Campos Jr., determinado ang kongreso na bigyan ng taunang pondo ang programa.
Simula pa aniya noong 2017 ay nakapaglaan na sila ng halos P1B pondo para sa higit 10,000 filipino centenarians.
Ang DSWD ng nagpapatupad ng programa alinsunod sa Republic Act No. 10868 o Centenarians Law of 2016, kung saan ang Pilipino na aabot sa edad na 100 na nasa Pilipinas man o abroad ay makatatanggap ng P100K na tax-free gift at congratulatory letter mula sa Pangulo ng Pilipinas.