Nahulihan ng aabot sa P7 milyong halaga ng iligal na droga ang dalawang lalaki sa Cebu City.
Aabot ito sa halos isang libong gramo ng shabu at may estimated value na P6, 936,000.
Ayon sa otoridad, nakukuha ng mga suspek ang kanilang supply sa mga inmates ng city jail.
Ayon naman sa mga suspek, kinuha lang sila para i-byahe ang mga nasabing kontrabando.
Umamin naman ang isa sa mga suspek na apat na taon na siyang courier ng shabu at nababayaran ng P20K kada transaksyon.―sa panulat ni Rex Espiritu