Walang dapat ikabahala.
Ito ang binigyang linaw ng National Aeronotics and Space Administration o NASA kaugnay ng paglapit ng asteroid 2005 XL80 sa ating daigdig.
Ngayong araw kasi sinasabing pinakamalapit na lokasyon ng naturang asteroid sa mundo mula nang ito ay matuklasan ng mga eksperto.
May sukat itong isang kilometro na higit na malaki kung ihahambing sa mga dumaang katulad nito noong nakaraang buwan.
Ipinabatid ng NASA na 38 ulit na layo ng buwan sa mundo ang distansya ng naturang asteroid sa ating planeta kaya’t wala anilang dapat ipangamba.
By Ralph Obina