Winasak ang mahigit P700,000 halaga na iligal na paputok na nakumpiska ng iba’t ibang police district sa Metro Manila.
Ito’y matapos pangunahan ni National Capital Region Police Office Chief Maj. Gen. Jonnel Estomo.
Kabilang sa mga sinira ang piccolo, super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang, pillbox, bosa, goodbye Philippines, bin laden.
Kasabay nito, binalaan ni Estomo ang lahat ng police station commander at Chief of Police na paiiralin ang ‘One Strike Policy’ sa mga Pulis na magpapaputok ng baril sa gitna ng pagdiriwang ng bagong taon. –sa panulat ni Jenn Patrolla