Kinumpirma ng PNP-Crime Laboratory-Central Visayas na nagmula sa New Bilibid Prisons o NBP sa Muntinlupa ang tinatayang labinwalong (18) milyong pisong halaga ng shabu na nasabat mula sa mag-amang naaresto sa buy bust operations sa Bohol.
Ayon kay PNP regional office 7 director, chief supt. Noli taliño, maaaring ang mga drug lord sa Bilibid ang nasa likod ng aktibidad nina Teofilo Tampus at anak na si Jonathan.
Magugunitang naaresto ang mag-ama sa bayan ng loon noong isang linggo kung saan nasa tatlong kilo ng shabu ang nasabat.
Ito na anya sa ngayon ang pinaka-malaking halaga ng iligal na droga na nasabat ng mga otoridad sa central visayas ngayong taon.
By Drew Nacino