Mahigit P12 million ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) mula sa mga naitalang insidente ng vote buying sa nagdaang eleksyon.
Sa datos ng PNP, pinakamaraming pera na nakumpiska dahil sa vote buying ang CARAGA Region na nasa P7.9 million.
Sinundan ito ng Region 1 na nasa mahigit P561,000 at National Capital Region (NCR) na nasa P541,000.
Sa kabuuan, sinabi ni PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac na nasa 225 vote buying incidents ang kanilang naitala kung saan nasa 356 na indibidwal ang kanilang naaresto.