Sumampa na sa 23 ang patay dahil sa bagyong Maring.
Ayon sa NDRRMC, 40 ang sinasabing nasawi sa landslides at flashfloods sa Northern Luzon at Visayas subalit labing pito rito ay vina validate pa.
Ang mga nasawi ay mula sa Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Cagayan, Palawan at Benguet.
Nasa mahigit P-2 bilyong ang danyos ng bagyong Maring sa agrikultura samantalang ang nasirang imprastruktura ay nagkakahalaga ng P1.056 bilyon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico