Umakyat na sa siyam ang nasawi sa COVID-19 delta variant sa bansa.
Kabilang ang fatalities sa kabuuang 216 delta variant cases sa bansa, kung saan mayroong 17 active cases na binubuo ng 15 local cases at dalawang returning overseas Filipino.
Sa kabuuan ay mayroong 165 local cases, 48 ang returing OFW habang bineberipika ang tatlong iba pa.
Sa kabila nito, nilinaw ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na hindi pa masasabing nagkaroon na ng community transmission ng Delta variant sa Pilipinas.—sa panulat ni Drew Nacino