Umabot sa 99,700 ang bilang ng mga nasawi dahil sa stroke noong nakaraang taon.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, ilan sa mga sakit na dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino noong nakaraang taon ay ang heart attack, cancer, diabetes, chronic lung disease, at stroke na tinatawag na non-communicable diseases.
Kaugnay nito, sinabi naman ng National Stroke Association na maiiwasan ang ganitong sakit sa pamamagitan ng tamang gamot kung regular ang medical check up at pagkakaroon ng healthy lifestyle at pag-eehersisyo.
Hinihikayat rin ng mga eksperto ang publiko na pagtuunang pansin rin ang iba pang mga sakit maliban sa COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico