Inihayag ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 378 ang mga pinangangambahang nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, posibleng tumaas pa ang death toll dahil kasalukuyan pang bina-validate ang ilang insidente. Nabatid na karamihan sa mga pumanaw ay mula sa Central Visayas, partikular sa Cebu at Bohol.
Nasa 742 naman ang mga nasaktan habang hindi bababa sa 60 ang nawawala.
Samantala, pumalo sa 3.9M ang bilang ng mga apektado ng kalamidad.