Nabugbog ng Bagyong Rolly ang lalawigan ng Albay.
Ayon ito mismo kay Albay Governor Al Francis Bichara, kung saan anim na ang naitalang nasawi sa kanilang lalawigan.
Sinabi sa DWIZ ni Bichara na mas marami pa ang napinsalang kababayan niya kung hindi sila nagsagawa ng mandatory evacuation matapos umapaw ang mga dike at naging problema rin ang lahar mula sa Bulkang Mayon.
Kung hindi kami nag-mandatory [evacuation], mas maraming mamamatay. Bumigay ‘yung mga dike, umapaw ‘yung tubig talaga,” ani Bichara.
Ipinabatid ni Bichara na ang mga bayan ng Tiwi at Tabako ang labis na naapektuhan ng Bagyong Rolly samantalang 150 kabahayan ang nalubog sa lahar sa bayan ng Guinobatan.
Doon sa Tiwi, Tabako, talagang landfall, e, nagdaan. Syempre malakas ang impact ng bagyo… Doon sa Guinobatan, 150 houses ang talagang nalubog sa lahar,” ani Bichara. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882