Umabot na sa 220 ang nasawi sa naganap na bakbakan sa Sudan.
Ayon kay Fath Arrahman Bakheit, Director General of the Blue Nile Health Ministry, nangyari ang bakbakan dahil sa isang pagtatalo sa lupa.
Naganap ang tensyon noong Miyerkules at Huwebes sa bayan ng Wad el-Mahi sa hangganan ng Ethiopia.
Sinabi ni Bakheit na ang unang humanitarian at medical convoy ay nakarating sa Wad el-mahi kabilang ang mga nasawi at 12 sugatan.
Inaasahan ng awtoridad na matapos ito sa madaling panahon upang hindi na maulit. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla