Pumalo na sa mahigit tatlong milyon ang nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.
Batay sa datos ng Agence France Press (AFP), nakapagtala ng 8,980 na karagdagang bilang ng mga nasawi dahil sa nakakahawang sakit.
Nangungunang bansa na nakapagtala ng maraming nadagdag na bilang ng nasawi ay ang Brazil na mayroong 1,657, sinundan ng india na mayroong 1,619 at Peru na 433.
Gayunman nananatili pa ring nangunguna ang Estados Unidos na mayroong pinaka mataas na kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.
Sa ngayon naman ay mayroon nang 141,291,720 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.