Pumapalo sa kabuuang 5,526 ang nasawi sa drug war ng Gobyernong Duterte mula July 1, 2016 hanggang June 30, 2019.
Batay ito sa inilabas na datos ng PDEA o ang ‘Real Numbers PH’ kung saan mas mababa ang nasabing bilang ng PNP na 6,600 na inilabas nito noong nakalipas na buwan.
Samantala, nasa mahigit 193,000 drug personalities ang naaresto at mahigit 134,000 anti-illegal drug operations sa buong bansa.
Layon ng ‘Real Numbers PH’ presentation na linawin ang estado ng anti-illegal drugs operations sa gitna na rin nang igiigiit ng human rights groups na 27,000 katao na ang nasawi sa drug war.
Samantala, libu-libong pulis ang pinatawan ng mga parusang administratibo kung saan mahigit 2,000 ang sinibak sa puwesto dahil sa pagkakamali sa anti-drugs opertations tulad nang pagkamatay ng drug suspects.
Sinabi ni Communications Assistant Secretary Marie Rafael Banaag na halos 15,000 pulis ang iniimbestigahan sa pagkakasangkot sa police operation na nagresulta sa pagkamatay ng suspek mula July 2016 hanggang noong nakalipas na Abril.
Nasa halos 8,000 pulis naman aniya ang sumailalim sa administrative punishments dahil sa lapses sa drug raids.
Nakasaad pa sa datos na iprinisinta ni Banaag mahigit 2,000 police officers ng tinanggal, 4,100 ang sinuspindi habang iba ay na-reprimand, demoted o ang mga sweldo ay forfeited o inalisan ng ilang pribilehiyo.