Sumampa na sa halos 500 ang mga nakuhang bangkay ng mga otoridad matapos ang naganap na landslide sa Freetown, Sierra Leone noong nakaraang linggo.
Agad na inilibing ang mga nakuhang bangkay sa ginawang libingan malapit sa Waterloo cemetery.
Ayon sa mga otoridad, hindi na sila umaasang makahahanap pa ng mga survivors at nakatutok na lamang sa pag-retrieved ng mga bangkay para maiwasan ang paghalo ng contaminated fluids galing dito sa kanilang water system.
Kanila na ring binabantayan ang posibilidad na magkaroon ng cholera outbreak sa lugar.