Nadagdagan pa ang mga nasawi dahil sa pag inom ng nakalalasong lambanog sa Rizal, Laguna.
Umabot na sa 12 ang namatay dahil sa pagkunsumo ng lambanog kung saan pinakahuling nadagdag si Analyn Lanka.
Habang mahigit 200 pa rin ang nasa mga ospital.
Kaugnay nito, ipinagbabawal na ang pagbebenta ng lambanog sa buong Region 4-A o Calabarzon batay sa naging kautusan ni Calabarzon Police Chief Police Brig. General Vicente Danao Jr.
Una nang ipinagbawal sa buong probinsiya ng Laguna ang pagbebenta ng lambanog kasunod ng naturang insidente.