Umabot na sa 14 ang naitalang patay sa pagbaha sa New York at New Jersey sa Amerika.
Ayon kay New York City Mayor Bill De Blasio, siyam sa kanilang lugar ang kumpirmadong nasawi dahil sa kanyang inilarawan na makasaysayang weather event.
Hindi mabilang na rescue operation na ang isinigawa sa magdamag sa mga motorista at mananakay ng subway sa new york dahil sa pagkaipit sa tubig baha.
Apat naman sa residente ng Elizabeth City sa New Jersey ang namatay ng dahil sa walong talampakan na baha sa housing complex sa lugar.
Nagdeklara naman na ng emergency ang mga governor sa dalawang nasabing Estado at pinayuhan na manatili sa kanilang tahanan ang mga residente habang nililinis ang mga daanan at subways.
Nangyari ang mga pagbaha matapos ang pananalasa ng hurricane Ida na isa sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa us gulf coast.—sa panulat ni Rex Espiritu